myDigiTracts

[aRCHGeePee]

3.23.2005

my activity list

Hi co-bloggers! Sorry kung ngayon lang ako nagpost. I'm planning to construct my new website eh. I hope to finish my project as soon as possible. Busy din ako sa mga nagdaang araw dami kasing problema sa site. I need your prayers para makayanan ko lahat. Here are the list of all my on-going and upcoming activities:

1. New Website maybe blog uli or paid domain (sana magkaron ako ng sponsors! hehehe.)
2. My job syempre (malapit na kasi ang duration ng project namin na 41-storey building)
3. Church Renovation Project (on-going na ang renovation ng church namin pero kulang pa rin ang budget)
4. Speech ko sa Graduation ng elementary sa March 30 (guest speaker kasi ako)
5. Application sa DTI ng new Architectural Office ko
6. Billboard para sa New Office ko (thanks God sagot ng BOYSEN lahat!)
7. UAP Activities
8. Projects na niluluto pa lang (Industrial building sa Pampanga at Hospital sa Laguna)
9. Reading Books (Christian Books)
10. Making Prayer List
11. Special Song Number para sa Sunday
12. Learning New things
:: posted by aRCHGeePee, 12:47 PM | link | (11) comments |

2.23.2005

gp is now a vp

UAP SAN JUAN- MANDALUYONG CHAPTER
Last night, I attended our UAP San Juan- Mandaluyong Chapter 6th General Membership Meeting. As usual, scheduled as emcee of the program kaya di na ako nakapagpahinga. Kagagaling ko lang kasi sa work nung time na yon kaya medyo pagod at medyo masama rin ang aking pakiramdam. Pero okey lang if that is the way para maging in talaga ako sa crowd...

On that night din, nagkaroon kami ng election para sa new set of officers ng chapter. I can't believe talaga na mangyayari sa akin na mapiling vice president ng chapter. Hehehe. Kunwari pa noh?... Actually, it is my desire to serve the chapter and my fellow architects. I believe na gagamitin ako ni Lord sa organization namin para makakilala sa Kanya ang mga kasama ko. This is my prayer talaga na dumating ang panahon na maraming arkitekto ang hindi lang arkitekto ng bahay kundi arkitekto rin ng buhay....




:: posted by aRCHGeePee, 7:11 AM | link | (8) comments |

2.10.2005

rebuilding the walls of scbc



LET US REBUILD!

I remember the time when i was thinking about the expansion of our church building... hindi pa yata ako lisensyadong arkitekto noon. I'm pertaining to Santa Cruz Baptist Church noong hindi pa sya nasusunog. Di ko talaga akalain na ganon ang mangyayari. "Geepee, we need you badly... kailangan ng church ang plano mo." Yan ang una kong narinig. Well, salamat kay Lord kasi walang nasaktan pero kailangan talagang maayos ang problema.

The month before Christmas, nag-meeting ang board together with their prospects na gagawa ng plano. After that, nabuo ang building committee. Hindi kaagad kami magkasundo noon kung ano ang gagawin. Ang sabi ng iba, "Repair na lang para hindi masyadong malaki ang gastos." Yung iba naman ganito ang pahayag, "Gagastos din naman tayo eh bakit ayaw pa nating ituloy na palakihin at pagandahin ang church." Hehehe... ang hirap talagang magplano lalo na kung hindi lahat pare-pareho ang mungkahi.

Lumipas ang ilang buwan di pa rin ako mapalagay kung ano ang ide-design ko.. Kapag magpe-present ako sa kanilang lahat medyo hindi kayang mabuo ng isang upuan lang... Then finally, sa tulong ng mga nanalangin at nag-eencourage sa akin naisip ko na pwede namang pagsamasamahin ang mga mungkahi nila eh. Hehehe... "by phase na lang ang gagawin ko." Una, repair. Pangalawa, relocation at extension. Pangatlo hanggang sa panghuli, dagdag na rooms, pagpapaganda at pagpapalaki ng building. Sa wakas natapos din....

Naniniwala ako sa tulong ng Panginoon na maitatayo ang SCBC sa taong ito. Marami mang kailangan ngunit higit ang biyaya ng Diyos na darating sa ating buhay dahil hindi Niya pababayaan ang Kanyang mga anak na magkulang...

Come, Let us rebuild! Nehemiah 2:17

visit our official website @

http://geocities.com/build_scbc

:: posted by aRCHGeePee, 5:01 PM | link | (2) comments |

2.09.2005

winners in this world

Winners are everyday heroes. Winners take their dreams seriously. Winners never give up and won't let you give up either. Winners have attitude. Winners care in their sleep. Winners make big things happen a little at a time. Winners say "Yes" to freedom and change. Winners go with the flow. Winners see the beginning in every ending. Winners expect the best. Winners inspire the best in others. Winners are the richest people in the world when it comes to experience, laughter, and love.

(I have read this motivating words 6 years ago. Biro mo, so many years na ang lumipas bago ko uli ito nabasa. Somehow, I gain my confidence again by simply meditating on this passage.... "Yes, I can do all things through Christ who strengthens me." Masyado kasi akong nabagabag sa nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang taon. Akala ko di ako makakatagal sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Thanks God! Kahit na ilang beses akong bumagsak mas mahalaga kay Lord kung ilang beses akong bumangon. Still... I'm a winner.)


:: posted by aRCHGeePee, 7:14 AM | link | (1) comments |

2.04.2005

captured moments 2

This is my environment...my sphere of influence.








:: posted by aRCHGeePee, 1:22 PM | link | (0) comments |