myDigiTracts

[aRCHGeePee]

2.10.2005

rebuilding the walls of scbc



LET US REBUILD!

I remember the time when i was thinking about the expansion of our church building... hindi pa yata ako lisensyadong arkitekto noon. I'm pertaining to Santa Cruz Baptist Church noong hindi pa sya nasusunog. Di ko talaga akalain na ganon ang mangyayari. "Geepee, we need you badly... kailangan ng church ang plano mo." Yan ang una kong narinig. Well, salamat kay Lord kasi walang nasaktan pero kailangan talagang maayos ang problema.

The month before Christmas, nag-meeting ang board together with their prospects na gagawa ng plano. After that, nabuo ang building committee. Hindi kaagad kami magkasundo noon kung ano ang gagawin. Ang sabi ng iba, "Repair na lang para hindi masyadong malaki ang gastos." Yung iba naman ganito ang pahayag, "Gagastos din naman tayo eh bakit ayaw pa nating ituloy na palakihin at pagandahin ang church." Hehehe... ang hirap talagang magplano lalo na kung hindi lahat pare-pareho ang mungkahi.

Lumipas ang ilang buwan di pa rin ako mapalagay kung ano ang ide-design ko.. Kapag magpe-present ako sa kanilang lahat medyo hindi kayang mabuo ng isang upuan lang... Then finally, sa tulong ng mga nanalangin at nag-eencourage sa akin naisip ko na pwede namang pagsamasamahin ang mga mungkahi nila eh. Hehehe... "by phase na lang ang gagawin ko." Una, repair. Pangalawa, relocation at extension. Pangatlo hanggang sa panghuli, dagdag na rooms, pagpapaganda at pagpapalaki ng building. Sa wakas natapos din....

Naniniwala ako sa tulong ng Panginoon na maitatayo ang SCBC sa taong ito. Marami mang kailangan ngunit higit ang biyaya ng Diyos na darating sa ating buhay dahil hindi Niya pababayaan ang Kanyang mga anak na magkulang...

Come, Let us rebuild! Nehemiah 2:17

visit our official website @

http://geocities.com/build_scbc

:: posted by aRCHGeePee, 5:01 PM

2 Comments:

That is cool! ^_^
Blogger Chette Testimonies, at 5:59 AM  
thanks! please help us pray
Blogger aRCHGeePee, at 7:40 AM  

Post a Comment